Biyernes, Oktubre 21, 2011

SALAMAT

SARILING WIKA muna tayo MEN!


At ako'y nagising mula sa isang mahimbing at matagal na tulog. [but of course its my day off today until sunday morning] Wari ko'y ako ay ipinaghehele ng mga anghel sa ulap dahil sa di man lang nakaramdam ng anumang gutom o di man lang nagising dahil sa maalinsangang panahon. Nang biglang nagulat dahil sa mga tunog sa tiyan na dulot ng matinding pagkagutom. Alas, tiyan ay napunan narin at lalamuna'y napa-agusan ng likidong nakakawala ng uhaw. Busog na ang Junior ni Nestor Senior. BURP! Nakapa-usok narin. Salamat sa dalawang stick ng Marlboro Black at sa tamis ng Pulang Maxx Candy [endorser?!].

Habang ako'y naglalakad sa kahabaan ng Buhangin at Bajada Road sa Siyudad ng Dabaw agad akong nagmuni-muni. Maraming mga bagay ang nais kong balikan, maraming mga bagay ang nais kong maisakatuparan muli, at maraming mga bagay ang nais kong limutin nalang at ibaon sa nakaraan. Agad akong napayuko, pansin ko mag-kaibang kulay pala ang tsinelas na aking suot. Isang kulay asul at isang kulay chokolate. Napangiti ako! Agad akong tumakbo pabalik ng bahay at pinalitan ang aking suot na tsinelas. JESUS! Siguradong marami ang napangiti sa akin, baka inakala nilang isa akong baliw na palaboy sa daan.

So much for that [Uy, nag-english] Teka, ano nga ba ang paksang gusto kong talakayin nagyong gabi? Ay umaga na pala. Isang matamis na Sabado ng umaga sa inyo mga giliw kong takapag-basa. [Meron nga ba?] Salamat sa mga officemates kong walang sawang nagbabasa ng aking BLOG! Palakpakan.Maiba na nga tayo, habang ako'y nagmuni-muni sa harap ng isang malaking parisukat at habang nakasalang ang mga paboritong kanta sa aking teleponong walang kable [NP: SMILE by Uncle Kracker] marami ang bumabagabag sa aking inosenteng kaisipan. Maraming mga gumugulo sa aking isipan. Di ko mawari kong anu ang mga ito, kung kaya't di ko alam kung anung gusto kong ipahiwatig sa paskil kong ito. Grrr wala akong nais sabihin kundi salamat ng marami sa mga taong naniniwala sa aking mga kakayahan, sa mga taong nainis at nayamot sa akin, sa mga taong umibig sa akin, sa mga taong napapangiti ko kahit minsan eh nakokornihan na, sa mga taong nagdala sa akin sa rurok ng tagumpay, sa mga taong nais na akong isumpa dahil sa mga pangakong di ko man lang matupad-tupad, sa mga taong walang tiwala sa akin, sa mga taong kasama ko tuwing ako'y naka-AUX, sa mga taong kasabayan ko sa tagayan at bulakbulan, sa mga taong kasip-sipan ko sa Sakto Coke o Pepsi, sa mga taong kahatian ko sa mga Skyflakes na naipupuslit sa callfloor, sa mga taong nakabeso-beso ko at sa mga taong nais kong pasalamatan. Ang gulo ano?! Bwahahaha!


Seryoso! Salamat ng marami---

UNA, sa Panginoon --- isa kang dakilang SECURITY Guard. Binabantayan mo ako 24/7! Salamat dahil ginagabayan mo ako sa panahong ako'y naglalakbay, sa panahong aking tinatahak ang karupukan ng buhay, sa panahong ako'y lugmok sa kahiripan, sa panahong ako'y dukha, at sa panahong gusto ko nang isumpa ang aking sarili. Salamat dahil IKAW ang aking BESPREN! Thanks pren, ikaw ang nakakaintindi sa aking mga kabulastugan, ikaw ang nakakaintindi sa aking mga walang kwentang hinaing at ikaw ang nakakaintindi sa aking kabaliwan.

P.S Salamat sa masarap na yakap mo. Ikaw ha, napapadalas na yan, minsan hinahap-hanap ko na.Wag ka! :)

PANGAWALA, sa aking PAMILYA --- dahil sa pagpapasensya! Salamat Mama, Papa, at Boks sa walang sawang pag-suporta sa akin. Salamat sa pagpukpok sa aking kaisipan na dapat eh uanahin ang mga importanteng bagay. Nakakalimutan ko mang magtext o tumawag sa inyo, wag kayo mag-alala parati kayong kasali sa mga dasal ko, at never ko kayong nakalimutan-- tinatamad lang ako minsan magtext. Ma, salamat sa malaking tiwala sa aking mga kakayahan, mana ako sayo. Pa, di man tayo close pero salamat dahil ni minsan di ko naramdaman na di mo ako mahal. Ikaw ha, kay mama ko pa nalalaman mga gusto mong sabihin sa akin, nakakalalaki kana--- idiresto na sa akin! Hahahaha Bokz, ikaw ang IDOL ko! Minsan naisip ko nga mas mature ka pa sa akin, ang layo mo na mag-isip at alam kong in the future you'll be one of the best teacher in our country. Ipagpatuloy mo lang yan, ilang buwan nalang eh gradweyt kana! Kung CUM Laude ka eh malaki ang makukuha mo sakin. AYLABYOU Pamilya ko!

PANGATLO, sa aking mga KAMAG-ANAK sa LuzVismin and abroad --- sang parte man kayo ng mundo isa kayong malaking parte ng buhay ko! Alam kong malaki ang ini-expect niyo sa akin, wag kayong mag-alala kasali kayo sa lahat ng mga plano ko sa buhay. See you sa mga reunions. Tsup tsup ♥

PANG-APAT, sa aking mga libu-libong kaibigan [binibilang?!] --- sa BRAWN Family [Bon., Reitz, Angelie, at Wel], sa CHU Family [Anthony, Douey, Cathy, Sheryl at Randy], sa CYBERCITY Friends ko [Ate May, Ter Pecry, Marc, Ate Cris, Ate Mel, Ate Ayessa, Miss Amy, Lisly, Greta, Ralf, Jaze, Regj, April ft. _jaded_, Ryan, Ning Catherine, Domz, Wyan, Patt, Kuya Orly, mga DP Peeps [Chillax lang sa Queue ug pagbantay kay ma-shared naka pinakalit-- evil laugh***] at sa mga di ko pa nabanggit [Naeedit pa naman to, magsabi lang kayo kung wala pangalan niyo dito, hahaha], sa aking mga SuperFriends LYRA and PURL, sa mga church friends ko, sa mga classmates ko na naging mga matalik ko naring kaibigan, sa mga friends ko narin sa facebook at friendster, sa mga followers ko sa facebook at sa lahat ng mga di ko nabanggit. SALAMAT ng marami sa mga pagtitiwala niyo. Naging malaking parte kayo ng aking buhay. Kayo ang naging anghang, tamis, alat, pait at kayo ang nagpalasa ng aking buhay. San man tayo dalhin ng tadhana, naway mamutawi parin sa ating mga puso't isipan ang pagkakaibigang di kailanman malilimutan. AYLABYOU all! Walang mintis, walang kulang.

P.S Christmas gift ko ha?!

PANGKALATAN, sa mga taong naging parte ng aking buhay, sa mga taong umibig sa akin, at inibig ko, at sa mga taong karapat-dapat pasalamatan [isa ka ba dun?!] --- SALAMAT dahil sinamahan niyo ako sa loob ng labindawalang taong pamamalagi ko sa mundong ating ginagawalan [Nagpapaalam na?! hahaha] Salamat ng marami, walang mapag-sidlan ang tuwang aking nararamdaman ngayon.


Serysoso na ba? Minsan kasi dito ko lang naipaparating mga bagay na di ko magawa sa personal. Dito ko nasasabi ang aking mga pasasalamat na di ko kayang sabihin ng harapan. Ang alam ng marami eh isa akong masayahin na tao at walang panahong di ako nakangiti, pero lingid sa kaalaman nila na isa akong seryosong tao at isa akong totoong taong nakasuot ng maskara ni Happy Face inside the Yellow Box. "A sad face inside a happy mask." Yan ako--- Basta, kung gusto mong malaman kung sino ako, wag kang mag-atubiling kilalanin ako, ikaw din-- malaking kawalan yun sayo.

Kung gusto mo pang subay-bayan ang aking buhay, maaari mo akong sundan sa:

FACEBOOK: https://www.facebook.com/sensen1989
TWITTER: https://twitter.com/#!/sensentor
Yahoo Messenger: nes123_123
Yahoo Mail: nestorvillanuevajr@yahoo.com
Hotmail: nestorvillanuevajr@hotmail.com
Google+: nestorvillanuevajr

Hanggang sa muli--- PAALAM muna!


Lubos na nagmamahal at gumagalang,
Charo Santos este THOR

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento