Linggo, Oktubre 16, 2011

In Filipino Language----

PARANG KELAN LANG: The Sequel 

Sitting in a couch. Writing this piece at 9:41* (Philippine Standard Time) at Door 102, Kilometer 5 Buhangin Road, Buhangin Davao City. 


"Ma'am, kumusta na ang Thesis?"
"Maije, kelan ang DEFENSE niyo?"
"TER, MAGREKORIDA kami sama ka?"
"Amega, ang Video Docu human na?"
"Ma'am, Si DORAEMON paparating na! [Tenenene tenenenene]"
"Maije, shuin jomo? Mag recording na for Tatak! Ang script ilugwa na!"
"Ma'am, nakapangumpra na mug Weeds."
"Amega, shudi magnilangka kay majowardan ka ni Ma'am Bahalla."
 Ilan lamang yan sa mga salitang paulit-ulit na lumalabas sa ating mga SANGA-SANGANG BUNGANGA.

TALAGA NAMAN! Kelan na nga nag-umpisa, pagkakaibigan nating kay saya, nung una'y di pa nga kita kakilala! Nang mabuo ang ating samahan kay daming gimik at mga kasiyahan, at mga kalokohang sadyang atin atin lang. Di ko lubos akalain na sintibay ba ng mga kable sa kalye, sinlakas pa ni Superman at sintatag ni Sunshine [SINTA by Aegis] ang ating samahan. Marami naring mga pangyayari ang nagpatawa, nagpahalakhak at nagpa-iyak sa atin. Maraming mga salitang nakakasakit pero di dinidibdib, maraming maaanghang na mga salitang nakakapaso sa dila pero walang paring epek dahil sa kabila ng mga ito, ilang minuto lang eh bati na naman. Maraming mga pangyayari ang nakaapekto sa kung anung narating natin ngayon [Char meron na nga ba?] at utang natin yun sa ating mga guro. Minsan masakit mang isipin na parati nalang tayong nakakatanggap ng sermon, tayo pa ang may ganang magalit at magmura. Pero alam ko isa iyong pampukpok sa ulong GAHI at sa mga TAMAD na mga kamay at UTAK!

Bachelor of Science in Development Communication Batch 2010--- the people I love the most!


PARANG KELAN LANG, sa unang araw ng klase...

Ma'am OCRETO: Ang ingay, bakit ba? Magakakilala ba kayo lahat? Galing lang ba kayo sa iisang Paaralan?
DC Batch TwentyTen: Hindi po! [In Speech choir]
Ma'am OCRETO: Locked Jaw!

PARANG KELAN LANG, nagtanim ng sama ng loob sa kaklase dahil tinatago raw ang aklat ni De Vito/Ongkiko sa ULRC. Sandamakmak na photocopy na sinlinis pa ng papel di Liha dahil sa di man lang mabasa basa dahil mas magandang magtsismisan muna. Parang kelan lang, ginawang PARLOR ang classroom. Make-Up dito make up doon! Plucking ng kilay, patulisan ng pilik mata, pakapalan ng eyeliner.


Nestor combing the hair of Geraldine Fabella!

Nestor: Gieh, pahiram ako suklay!
Gieh: Pakisuklay narin ng buhok ko nes.
Sir PELLERIN: Nestor this is not a Parlor.
Nestor: TAGAM!
Hays, tingnan mo nga naman.

ISA PA...

Nestor: Nads, ako magsuklay ng buhok mo. Ayusin natin.
Hannadi: Sige nes.
Nestor: [Nagsawa] Ayan nhads okay na! Tapos na akong maglaro. Hihihihi

PARANG KELAN LANG, naging bahagi rin tayo ng bulwagang pambalitaan ng DXVL Kool 105. Malimit tayong pumupunta sa Police Station, sa LGU, sa kung saan-saan pa, at sa pinakapaboritong beat ni Ma. Apple Zamora, PALENGKE BEAT!

Apple: ... Isang Kilo ng Burot Singkwenta, sa Galungggong Sais-Senta... Ito po si Ma. Apple Zamora Nagbabalita. [Peace] hahaha LOVE YOU pol!

PARANG KELAN LANG, di natin makalimutan ang pangyayaring muntik ng ikaiyak ni Cindy Rose Acanto at Geraldine Fabella. Ang mga bagay na dapat ay nagawa na, eh di man lang naumpisahan ni hintuturo ng kamay. Ang pamamasyal sa kung saan saan, at ang pagiging PROCASTINATOR.

Sa kainitan ng TATAK USM Season One...

Jake Manero: How was it guys? Kumusta na ang mga trabaho niyo?
DC BATCH 2010: Nakayoko, napatahimik at walang sagot. 
Jake Manero: ... ang iba dyan nakarating pa ng GenSan, di wala man lang naiuwing kahit isang APPLE.
Cindy@Geraldine: [Tinginan]
              
Hahahaha! Parang kelan nga naman.

PARANG KELAN LANG, naging bahagi din tayo sa makasaysayang TATAK USM!

TATAK USM Survivors: Ate Van, palista na pud me. Kanang tulo ka Cheezy, Duha ka dako nga Piattos, ug NOVA pud, ug kanang pito nga iced tea bottle charge lang daw kay Ma'am Teng.

After how many hours...

TATAK USM Survivors: Ate Van, magkuha na pud me. Kanang...
Kristel Baylon: Kanang Paksiw daw Ate Van, panihapon ko! [Humirit pa! hahaha]
Hays, Parang kelan lang.

Kinabukasan...

Ate Van: Oo na, Cheezy ilan? Piattos ilan? Nova Iced tea?
hahaha alam na agad anung pinunta sa CAS Cantee.

Ito pa ...

Cathy: Bok, wala na kami pera. Paampon muna kami be sa bahay niyo.
Bai: Yes nalang Jokoi! Hahahaha
Namiss ko ang mga bagay na ito. Ang pagiging ORPHANAGE ng BAHAY nila Bai Alliah Akmad!


PARANG KELAN LANG, ang masayang pagluwas mula KABACAN patungong Siyudad ng CEBU! Ilan lamang sa mga bloopers ay ang pagkain ni Ben Rojie Cipriano ng Crab Shell, ang pag-iwan ng tsinelas ni CATHERINE BACANI sa labas ng Room nila Hannadi, ang pagsemplang ni Neil Lingatong umpisa palang nalang ng karera, ang mga SALITANG TRAYSIKOL, BYSIKOL, ARTIKOL, At anu pang KOL, ang habulan ng mga sikyu sa loob ng Pier ng CDO at marami pang iba. Ang pagpanukad sa matag-isa sa PERSON.COM para makakita lang ug sponsor. Hahahaha BSDC 2010, BOT MODE for 1 week para makapag PERSON.COM

CATHY: Ang akoang family kay naa na sa gawas sa balay kay gibaligya na amoang balay, nakatent nalang sila para maka-adto ko sa CEBU!


PARANG KELAN LANG, wala nang ibang mapasyalan kundi ang Ukay-Ukay Galore sa Highway. Ang pabalik balik na paglilibot dahil sa pagsuserbi ng mga MUHON [TAMA BA?] ni Sheryl Sulog. Hays parang kelan lang.


PARANG KELAN LANG, naging BAKER din tayo! Ang pagluluto ng mga simpleng putahi ay nauwi sa pagluluto ng Chicken Adobo ni Sammae Gee Biboso. At ang pagkasemplang ni Angelie Tobias sa panahong gusto niyang subukang patakbuhin ang bagong motorsiklo ni Dennis Quitor, ang ending nadiretso pinakalit at ikinahalakhak ng lahat.

Saan man tayo dalhin ng ating mga paa, umabot man tayo sa ibang planeta sana manatili ang samahang di kailanman mapantayan. Nawa'y manatili sa ating mga kasing kasing ang pag-aalala para sa isat-isa. Walang limutan! Forever tayong nandyan.


=============================================
In behalf of DC Batch 2010, I would like to thank everyone who helped us become who we are and what we are right now. To the DC Faculty and Staff, Ma'am Teng, Ma'am Pamela, Ma'am Vilma, Ma'am Espie and Sir Allan, thank you for being our being our best mentors. You've showed us how special we are to the department, and how lucky we are that we have you as our educators. We will all treasure the happy memories we've all spent together. Till we visit USM again.















Always,
THOR

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento