FLASHBACK in tagalog BALIK-TANAW: Isa akong batang Nineties dahil...
MikMik: I so missed you! |
- Naranasan kong magbahay-bahayan kasama ng aking mga kababata gamit ang maliit na lata ng Youngstown Sardines. Ang nakakatuwa eh puro gulay ang recipe dahil halaman lang naman ang pwedeng isalang sa kumukulong tubig sa loob ng maliit na lata. Halimbawa ng mga halamang kasali sa recipe--- dahon ng Golden Duranta, Bulaklak ng Gumamela at Santan, at kung anu-ano pang halaman na makikita sa hardin ni Inay. Di nga ba?
- Nung ako'y nasa Kindergarten madalas akong pabaunan ni Inay ng MikMik, yun bang powdered Milk o Choco na may kasamang maliit na plastic straw. Kasama rin sa pabaon ni Inay ang Zest-O Tetra Pack in Orange and Strawberry flavor at ang sandwich na may palamang Star Margarine at asukal na ibinalot sa puting tissue na inilalagay sa Lunch Box. Lunch box na di naman pananghalian ang laman kundi pang-merienda dahil hanggang alas-diyes lang naman ng umaga ang klase sa day care ng barangay eh.
- Naranasan kong mangolekta ng KISSES, inilalagay sa pencil case na may cotton at pulbos. Tinutusok ng karayom dahil manganganak daw pag ginawa mo yun.
TAMAGOTCHI: Nakakamiss lang! |
- Di na nakikinig ng klase nung Grade 3 ako, kasi sa TAMAGOTCHI nalang nakatutok, baka kasi mamatay eh, sayang din. Mamahalin pa naman--- ilang baldeng luha ang ang ipinalabas ko, magkaroon lang ako nyan.
- Isa ako sa mga nagtanong kung nakakalasing ba ang "CALI."
- Nangongolekta ako HOLENS/JOLENS.
- Nag-aabang araw-araw sa Coca-Cola panel upang ipagpalit ang mga naipong tansan sa "POGS."
- Marami akong naipong singsing mula sa Kending Pampinoy, ang BOBOT.
BOBOT: Wonder Pinoy Kendi - May BRICK GAME din ako nun. Ang pinakapaborito ko eh katumbas ng TETRIS ngayon sa FACEBOOK.
- Sinubaybayan ang ibat-ibang palabas sa TiBi: Anna karenina, Esperanza, Mula sa Puso nila Claudine B.,Gimik, Home A long Da Riles, Ipaglaban Mo (Atty. Sison), Kakabakaba, Kaya ni Mister Kaya ni Misis, Magandang Gabi Bayan, Marimar, Mara Clara nila Judy Ann at Gladys, Okatokat, Okidokidok, Sineskwela, Hirayamanawari, Bayani, Super-Laff-In, Tabing Ilog at marami pang iba.
BRICK GAME: Buhay ka pa ba? |
- Mahilig din ako sa mga TEX nun, tatandaan ko eh mga Dragonball Z, Ghost Fighter, at Power Rangers mga tex ko nun eh.
- Sumakit din ang panga ko sa Bazooka--- ang walang kasintigas na bubble gum.
- May Pellet Gun din ako nun, neon colors mga bala.
- Naglalaro ng WATUSI, nabibili ng tingi-tingi sa tindahan. Ayos ang sparks nito.
- May sapatos din ako nung kabataan ko na umiilaw ang swelas, iba pa yng tumutunog. Kaya lang parati kong gamit kaya naubos agad battery, ang masaklap pa eh di mo napapalitan battery.
- Inu-uto rin ako ng Nanay at Tatay ko nun, may lalabas daw na kanin sa sugat ko kapag di ko ito hinugasan gamit ang Alcohol o Betadine.
- Isa akong batang palaboy sa kalye na nakikipaglaro ng 10-20, Chinese Garter, Jackstone, Langit Lupa, Luksong Tinik/Baka, Doktor Kwak-Kwak, Tumbang Preso atbp. Isa din akong uhuging bata, kaya lagi akong may dalang GOOD MORNING Towel.
Meron pa ba nito? GM Towel--- - Araw-araw na nagpapaluto ng Maggi Noodles kay Nanay kasi may Free stickers ng Disney lalu na yung kay ALADDIN! Puno yung kwarto ko nun ng ganun.
- Dahil kapos sa pera, imbes na gameboy ang nilalaro eh yung laruan na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga maliliit na bilog sa stick na maliit. Ang nakakainis pa dun eh, napuno mo na yung mga stick eh may natira pang mga maliliit na bilog. Sigh*
- Nung elementary ako puro artista ang cover ng mga kwaderno ko. Tinatanggal pa ang spring. Tinatahi yun ni Nanay gamit ang makukulay ng ball threads saka babalutin ng acetate.
- Nagkaroon din ako ng Cellphone na may Sungay nung Grade 5 ako. Unang telepono ko nun eh 5110, tapos lumevel-up naging 3310. Hanggang sa lumevel-up ng todo.
- Naging Idol ko WESTLIFE at A1. Natuwa rin sa Spice Girls.
- Favorite Song ko nun eh JUBILEE Song. Perfect ko exam na fill in the blanks nung lyrics nung kanta. Memoryado ko rin pati aksyon.
Ilan lamang ito sa mga nagpasaya sa akin nung kabataan ko. Isa lamang indikasyon na ang mga bagay at pangyayaring ito ay minsan naring humubog sa ating pagkatao at sa kung ano tayo ngayon. Laging tandaan--- huwag makalimot sa nakaraan, laging itong itatak sa puso't isipan.
Mula sa PROUD na batang 90s,
THOR
this is funny. karelate aketch
TumugonBurahinhahaha naa na pu ang stalker. Pagsulat na pril. Hahaha
TumugonBurahin