It was a poem written during my college days for all the LOKALISTA members headed by Carl Anthony Tagaro.
Ako'y napatanong------- Ano nga ba ang Lokalista?
Nagmasid, nag-isip, nawindang at nawerla;
Naguluhan, litung-lito, nangulit at naalarma
Kung bakit bukam-bibig ni Pepe't Ana
Eh aba'y LOKALISTA! LOKALISTA! LOKALISTA!
Sinubukang magpa-rehistro sa nasabing web address
Triple dobolyu dot lokalista dot org- as easy as this!
Walang kahirap-hirap, twas really the best,
Uh'oh instant member, with matching smile on my fes[face]
Naging pala-isipan sa akin kung anong gagawin ko
Tinanong ang sarili. Paano nga ba 'to?
Walang magawa at nag-eksperimento
At di nagtagal ako'y natuto
Iba't ibang topic ang pinag-uusapan
Sa forum binibigyang ideya, pinagdedebatihan
Oh! Ika'y mag-ingat.. Wag na wag mag-spam
Lagot ka sa Moderator, baka ika'y mabanned
Hanep kung mag-post ang lahat ng miyembro
Dinadaan sa Inglesan, sa tagalong maging sariling dialekto
Wag ka! Dahil dito sa Lokalista
Nagkakaintindihan ang bawat isa!
Mga miyembro'y magkakaiba
May matangkad, putot, payat at mataba
May mga singers, dancers, band members at artista
Tsk.Tsk.Tsk. Mga world-class kung pumorma
Wag magtaka kung bakit kami tinitingala (totoo nga ba?)
Dahil sa angkin naming talinu't ganda
Na kapag titiga'y sadyang matutunaw ka
At kapag nilapita'y mapapa-WOW kang talaga!
Di man namin kilala ang bawat isa
Alam naming isa lang ang hangarin ng barkada
Iyan ay ang magtulungan , sa lungkot at saya
Dahil dito sa Lokalista------- Magkakaroon ka ng instant ate't kuya
Isang masayang pamilya talaga
Parating isa-isip at isa-puso- LONG LIVE LOKALISTA!
Be a good example sa mga taong nakakasalamuha
Stay cool. Keep safe. Be different and keep on smiling
Cause in Lokalista--- You'll experience a TRUE BONDING!
Mula sa panulat ni,
Gat THOR
Huwebes, Oktubre 27, 2011
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento