"Pag-ibig ang siyang buklod natin di mapapawi kailan pa man." Linya ng kantang namumutawi sa puso't isipan ng bawat isa. Naging bukam-bibig ng mga binatilyong nais makamit ang matamis na OO ni Neneng na may gatas pa sa labi. Pag-ibig nga naman; naging almusal, pananghalian at panghapunan na ng lahat. Minsan eh nagiging pang-himagas pa ng mga taong busog sa pagmamahal. Mapapansin nating ito'y naririnig kahit saan. Sa jeepney, sa sakayan ng bus, sa mga tindahan, kay Aleng nagbebenta ng patingi-tinging yosi, sa mga magsyotang pagala-gala sa daan, sa baklang nagbebenta ng laman. Harujowsko! Kahit san nga naman, pag-ibig lang ang idinadaing. Laman ng mga artikulo sa dyaryo at magasin. Inihahagulgol ng Aleng uhaw sa pagmamahal ng asawang tunaw na ang atay dahil sa alak, ini-iiyak ng dalagang kinaliwa ng syotang mahilig makipag-textmate, usap-usapan ng mga kalbong barbero sa kanto na ang balbas eh sintaas ng trapiko sa EDSA, at adhikain ng mundong magulo, ng mundong naghihintay ng katapusan [2012], adhikain ni Juan Dela Cruz na nag-aabang ng konsert ni Gary V, adhikain nating lahat!
San-saan na nakarating ang aking likidong walang tinta. Kay payak ng topiko eh di man lang matarok. Oops! Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng talakayin eh PAG-IBIG pa! Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala!
Maiba tayo, diba Pag-ibig ang dahilan bakit ipinadala ng ating AMA ang kanyang BUGTONG na ANAK na si JESUS CHRIST upang tayo'y tubusin sa Mala-Payatas na basura ng Kasalanan? Kung mabubuti ba ang mga tao noon eh ipapadala pa kaya niya si JC? Naitanong ko rin naman ito sa sarili ko. Kung kasalanan man lang ang dahilan kung bakit ipinadala ng Ama si JC eh anu pang ginagawa niyo? Oh hala, magkasala na ang magkasala. Malay mo may second coming si JC bago mag 2012. Loko lang, binobola ko lang kayo. Pinapaisip ko lang ang inosente niyong isipan.
Bago pa malihis ang ating landas, simulan na natin ang talakayan. Samahan niyo ako--- pagsaluhan natin ang tinapay with tinapa fillings, sabayan narin ng kapeng mainit [3in1 Creamy Brown Coffee parang Coco M. lang noh?!] at sabay-sabay nating hithitin ang sigarilyong mag-isang linggo na sa aking bulsa.
Teka at naging masanga na naman ang aking dila. Pakinggan muna natin ang ulat mula kay Veeeenaaaaaaaaaa [hinga] Araneta. Pasok. Vina nga naman, naku oo!
Kunwari eh nasa shooting tayo ng THE BUZZ...
Tito Boy: Maja, ikaw ba ang dahilan ng awayang Coco-Matteo?
Maja: [Iyak, iyak at iyak] Titoooo.... Boooy.... Huhuhuhuhu T.T
Tito Boy: Nirerespeto namin ang iyong pananahimik. Pero isang katanungan na lamang Maja. Ikaw nga ba ang dahilan ng alitan ng dalawa?
Maja: Opo... Huhuhuhuhu... Ako po Tito Boy.
Keetams! Nang dahil sa pag-ibig sa dalaga eh nag-away ang dalawa.
Tama na ang tsismisan, masyado ata tayong showbiz ngayon.
Well, umpisahan na ang dapat umpisahan---
PAG-IBIG--- Anu nga ba ang unang pumapasok sa ating utak kapag naririnig natin ang nakakasukang salitang ito?
Marami naring manunulat ang nakapag-lathala ng mga artikulo patungkol sa pag-ibig. Iba-iba ang kanilang mga opinyon. May mga patungkol sa mag-syota, mag-asawa, sa bayang sinilangan o kung anu pa. Marami nga talagang lumalabas sa aking sistema. Nais kong ibahagi ang tungkol sa pag-ibig para sa SARILI.
Minsan sa dinami-dami ng ating mga responsibilidad sa buhay nakakalimutan na natin ang ating sarili. Namumuhay kasi tayo sa kasabihang "BAYAN MUNA BAGO SARILI." Sus, kumusta ka naman? Minsan mas inu-una pa natin ang mga bagay-bagay para sa iab. Anu ka bayani? Hindi naman masamang iabot ang kamay para sa kapwa, pero huwag 'yong sobra-sobra. Isipin mo rin minsan ang iyong sarili. Tingnan mo--- ilang tigyawat na ang nag-uunahan sa paglabas sa mukha mo? Ilang dry hair meron ka o mabunga na naman ang buhok mo oh? [Ipa-harvest na yan] Ilang listahan na nang utang ang napuno mo? Ilang part-time jobs meron ka? Tingnan mo tuloy di mo na kilala sarili mo o di mo na mamukhaan sarili mo sa salamin. Di mo na maalagaan sarili mo.
TAMA KA! Nagtatrabaho ka kasi gusto mo ibili ng bahay at lote ang Nanay mo, gusto mong ibili ng magarang sasakyan ang Tatay mo, gusto mong ipag-shopping ang mga kapatid mo--- o ikaw anu pang natira sayo?
Maging selfish ka rin minsan! Minsan lang naman eh. Bakit di mo subukang magpa-Davids Salon? O magpa facial o foot spa? O di kaya'y ibili ang sarili ng RT Ticket papuntang HK nang ika'y makapag-bakasyon? Dude, di masamang pagbigyan mo rin ang sarili mo.
Tingnan mo, paulit-ulit nalang yang suot mo. Memoryado na nga ng mga ka-officemate mo ang kulay ng mga damit mo eh. Isa pa, yang sapatos mo. Gamit mo pa ata nung kolehiyo ka eh. Ipag-shopping mo rin minsan ang sarili mo. Di ka ba naaawa sa sarili mo? Minsanan lang naman, huwag yung sobra-sobra.
Eto pa, nakakalimutan mo natring kumain. Ang isang typikal na Pinoy eh tatlong beses kumakain sa isang araw, di pa kasali ang snack time. Nakakaligtaan mo na eh. Subsob sa trabaho? Kumusta naman ang kalusugan mo? Health is Wealth ika nga diba? Alagaan mo rin sarili mo.
Higit sa lahat, nakakalimutan mo nang dalawin si Bro. Nagseselos na yun sa girlpren o boypren mo. Magtira ka naman ng oras para sa kanya. Paano mo matutupad lahat ng mga pangarap mo kung hindi siya ang kasama mo sa pagtupad nito? Alalahanin--- naghihintay ang Diyos sa bahay-dasalan, 24/7 yan. Dalawin mo kung may time ka. Mas mainam paring mamuhay kasama siya dahil ang tunay na yaman ay ang mamuhay kapiling siya. "Diyos ang tunay na Pag-Ibig."
Kaibigan, matuto tayong mahalin ang mga taong nakapaligid sa atin at higit sa lahat ang sarili dahil sa sarili nagsisimula ang lahat ng ito. Paano mo matutunang mahalin ang iyong kapwa kung sa sarili di mo man lang magawa? Umpisahan sa sarili, bago ito ipamahagi.
I love ME! Only ME! Bago ang Mara-ME!
P.S Ang paala-alang ito ay hatid sa inyo ng Baygon Katol. Sa isang rolyo lang, dedbol kang lamok ka.
Mula Sa Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa,
Andres Bonfacio este THOR
Sabado, Oktubre 22, 2011
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
yeah right, sarili muna bago iba :)
TumugonBurahingusto ko sana maging selfish minsan, kaso di pwede talaga...haha...
i skip meals sometimes, [walang oras para kumaen]
kulang sa tulog, sobra sa trabaho, konti sweldo. nyay.
wawa naman ako...hahaha...
[padaan lang po dito]
tc :))
Thanks LILY :D Hahaha my post was so opinionated. TC ikaw din. Thanks for reading. God bless.
TumugonBurahin