Huwebes, Nobyembre 17, 2011

na-LSS ka na ba?

Are you suffering the apprehensive "Last Song Syndrome?"

I DEFINITELY do! Parati kong kinakanta ang huling kantang napakinggan ko---

Sometimes, I stupidly tuned into a so-so FM before going to work and had Bruno Mar's 'Today my Life Begins' playing over and over again, then I suddenly realized that I've been singing it for the entire shift in our call floor. Addict. They are all chuckling. I passed by agents and they're all staring at me and some even gave me a fearful snob. The h*ll I care?! I just wanna embrace music.

"Romeo take me somewhere we can be alone blah blah blah..." kanta ng Aleng katabi ko sa Internet shop.Ilang beses nya itong inuulit-ulit. Wala na ba siyang kayang kantahin? Sa tantya ko eh mga nasa Kwarenta na siguro siya. Gulat din ako kasi busy siya sa Farmville niya. Tingnan mo nga naman, maraming nainspire kay Lola Techy. Si Ale eh maka-Taylor Swift, siguro eh hinahanap pa niya ang kanyang Romeo. (Grin*)

LSS also known as Last Song Syndrome.

Ayon kay Boss UrbanDictionary,  ito ay ang pakikinig ng musika bago umalis ng bahay at yun tumatak sa iyong isipan kahit san ka mapunta, anu man ang gawin mo. Sinunsundan nito ng matindi at cute na humming. Ang syndrome na ito ay sinasabing nakakatakot because the song happens to be the most pathetic, crappy, albeit catchy song ever. And, when you end up singing random songs that you last heard whether you like the song or not.

Matagal ko nang gustong gumawa ng artikulo na tungkol dito. Di ko lang alam pano simulan. Pasalamat ako sa Aleng paulit-ulit na kinakanta ang LOVE Story by Taylor Swift.  lols.

Minsan wala kang idea kung san to nanggaling, narining mo ba to sa dyip kanina na sinakyan mo papuntang work, o dun ba sa bar na nadaan mo? Di mo nalang mamalayan, paulit-ulit mo na itong kinakanta, hina-hum, kinakanta, hina-hum, kinakanta, hina-hum ng walang katapusan.

Is it really contagious?

Scene in the center after every Amy's call:

Amy: Kunin mo na ang lahat sa akin blah blah blah...
Thor: AGAIN? For how many times?

After an hour

Thor: Kunin mo na ang lahat sa akin, wag lang ang aking mahal blah blah blah...
Amy: Nadapuan ng sakit? Ginaya? Ginagaya?

Hahaha. I just realized nakakahawa rin pala minsan. Di mo nalang mamamalayan sabay na kayong kumakanta nung kanta paulit-ulit niyong kinakanta.

IKAW? na-LSS ka na ba?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento