The newest pair of HAVS I had, I am a BROWN lover. |
"Havaianas, Ipanema, Spartan, Beach Walk, Islander, Fila, Adidas, Puma, Reva, "Havananas", "Havan", at marami pang iba." Maraming brand ang tsinelas. May mga mamahalin, meron yung kayang-kaya ng bulsa at meron yung tamang-tama lang ang presyo. Ganyan din tayong mga tao. May ibat-ibang pananaw at ibat-ibang katayuan sa buhay. May mga taong ang biyaya'y umaapaw, meron yung ayos lang at meron yung ipinagkaitan ng kaswertihan sa buhay. May pamilyang mayayaman, merong pangkatamtaman lang at merong dukha na talaga. IKAW? Anung brand ng tsinelas ka?
"Dilaw, Puti, Asul. Berde, Tsokolate, Itim, Pula, Dalandanan, Multi-colored at marami pang iba." Maraming mga kulay na pwedeng pagpilian. Meron din yung sobrang makulay talaga. Meron yung matitingkad ang kulay, meron din yung mainam sa mata at meron din yung walang kabagay-bagay ang kulay kapag sinuot na.Ganyan din tayong mga tao--- ibat-ibang kulay ang ipinapakita natin sa kapwa. Ibat-ibang katangian na nababanaag sa ating mga sarili. Minsan tayo'y mabait, minsan nama'y parang walang pakialam sa mundo. Minsan masumpungin at minsan ay sira ulo. Tulad ng makukulay na tsinelas, ang budhi natin ay may ibat-ibat kulay. IKAW? Anung kulay ng tsinelas ka?
"Pwede sa daan, pwede sa school, sa beach, sa opisinam pwede din sa mall, sa kalye, pwede sa bundok at pwede kahit saan." Yan ang pinagusto ko sa tsinelas--- pwedeng gamitin kahit saan. Pwede sa maayos na daan, pwede rin sa putikan. Pwede sa bahay, pwede ring ilabas ng bahay. Ganyan din tayong mga tao--- nababagay kahit saan. Pwedeng makisalamuha kahit kanino. Pwedeng ipakita kung ano tayo, mapapamilya, kaibigan, katrabaho, kainuman, kaparty-party, kachat, katextmate, kaFB o kaTweeter at kanino pa man. Pwedeng ipakita kung sino ang totoong tayo, kahit saan kahit kailan. IKAW? Tsinelas kang pwede saan?
"May hugis isda, hugis alimango, hugis puso, merong malaki, maliit, meron din yung natural na hugis at laki lang." Tama! Marami na tayong nakikita ngayon na ibat-ibang istilo ng tsinelas sa mall at bahay-pamilihan. Meron yung mabigat, meron ding magaan. Sa panlabas na anyo ng tao, meron ding ibat-ibang hugis. Meron yung malobo, lumba-lumba, merong coca-cola body, meron yung katawa'y parang posporo lang din ang payat. Pero kapag ihahalintulad o ikukumpara sa panloob na anyo. Ganyan din tayong mga tao--- Meron ang mga pangarap eh mas mataas pa sa Eiffel Tower, merong ang pag-iisip ay parang nakaabot na sa ibang planeta (matindi), merong mag-isip na akala mo'y nabuhay na nung mga unang dekada, may mga taong ang utak eh sinlaki ng angkin ng Pandaca Pigmea. Tayo'y may ibat-ibang hugis at hulma ng pananaw at pag-iisip. May mga makurba at meron ding plain lang. IKAW? Anung hugis kang tsinelas ka?
"Ang tsinelas ay pwedeng labhan para kunyari bago ulit." TUMPAK! Minsan kailangan din nating ibalik sa dating anyo at kulay ang ating tsinelas. Mainam na labhan upang maging matingkad ulit ang kulay. Ganyan din tayong mga tao--- minsan kailangan narin nating magbago kung nailihis man tayo sa maling landas. Kung ang budhi mo'y sing-itim pa ng uling, eh pasabunan mo na. Kung minsa'y nawawalan tayo ng pag-asa, tumingala lang at manalangin. At kung minsa'y iniisip nating pinagtakpan na tayo ng langit, ngumiti at lumabang muli. IKAW? Tsinelas ka bang handang masabunan upang tumigkad muli?
Ilan lang yan sa mga katangiang taglay ng tsinelas. Anung brand o hugis mang tsinelas ka ang importante eh marunong makibagay sa iyong kapwa. Matingkad man o maitim ang kulay mo, ang importante'y handa kang magbago para sa ikabubuti mo. At kahit na anung mangyari--- handa ka paring magpagamit sa iba, lalu na sa DIYOS.
Oh ikaw? Anung klaseng TSINELAS ka?
Ang Manlalakbay,
THOR
tayo ay tsinelas .. bow.. :)
TumugonBurahingustong gusto ko kung paano mo hinalintulad ang isang tao at kanyang katangian sa isang tsinelas.
galing.
Salamat Bagotilyo :) Ikaw? Anung klaseng tsinelas ka? Hehehehe! Keep visiting my blog. Nakakainspire, kahit papano eh may napapadaan sa blog ko. Paisa-isa pero nakakataba ng puso. Salamat :)
TumugonBurahin