Sabado, Nobyembre 19, 2011

10 UTOS sa Pag-inom


Nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking kaibigan, napa-isip ako bigla. Gulong-gulo na naman ako kung ano ang nais kong talakayin sa umagang ito, pasalamat ako dahil binigyan niya ako ng ideya! TUMPAK! Nais kong ibahagi sa inyo ang mga utos sa pag-inom na siguradong ikatutuwa niyo. Simulan na ang rebelasyon. Ito ay ang mga:

IKA-UNA Huwag makulit habang umiinom, hindi ka bata.

Minsan sa atin, o karamihan sa atin ang nagiging instant bata. Malikot, makulit, padance-dance, o di mapakali sa kinalalagyan. Pag tinamaan na tayo ng serbesa eh nagiging instant historian din tayo. Andaming nais ikwento, at andaming nais ibahagi. Mga actors and actresses din kasi may matching actions and feelings pa kapag nag-kwento. Ang ikinatutuwa ko eh may pa-Ingles-ingles pang nalalaman.

IKALAWA Huwag matakaw sa pulutan, wala ka sa picnic o sa foodtrip.

Merong iba eh pulot ng pulot sa pulutan (Pulutan nga eh) pero gulat ka nalang mas nauuna pang nauubos ang pulutan kesa sa inumin. Paborito na nating mga Noypi ang Kropek, Mani, Kornik o anu pang klase ng Pica-Pica. Mas masarap ang pulutan, mas madaling nauubos. Try mo yung super anghang na sisig, try natin kung mauubos agad.

IKATLO Huwag patagalin ang baso, marami ang naghihintay.

"Umugat na yung baso oh." Yan ang kalimitang naririnig natin kapag nasa tomahan. Yung iba, dinadasalan pa o nagsasign of the cross bago inumin yung serbesa.Yung iba eh kunwaring patakip-takip ng ilong. Ang daming nag-aalibi pag nasa inuman na huwag lang makantyawan.

IKA-APAT Huwag inon ng inom, bumili ka rin.

Minsan pag-ambagan na eh nagpa-pass, next time nalang raw kasi wala nang budget, pero kapag nakahain na sa mesa eh napaka-aggressive, kala mo eh perstaym uminom. Mahiya rin tayo, dyahe rin kung palibre lang tayo parati. Makibahagi sa hatian, baka kasi sa susunod eh di kana nila imbitahin.

IKALIMA Uminom ng diresto sa tiyan, huwag sa ulo.

Ito ang utos na iniaalay ko sa mga dakilang WAR FREAK, yung mga taong ang feeling eh sa kanila na mundo. Merong mag-wawild, may patapun-tapon ng upuan, merong kunyaring susuntok sa pader, at merong parang sinapian na ayaw paawat.Gustong sugurin ang naka-away o naka-alitan.MEN! Chillax lang, huwag daanin sa init ng ulo baka kasi di mo pa kilala binabangga mo.

IKA-ANIM Magpaalam ng maayos pag-uuwi, di nalang basta mawawala sa eksena.

Para naman sa aking ang utos na ito. Tinamaan ako. Magpaalam ng maayos kung gusto na nating umuwi at feeling natin eh kakasakay lang natin sa roller coaster ride na animo'y mundo ay umiikot. Huwag magsisinungaling. Kunwari eh magyoyosi saglit o may tumawag daw sa cellphone. Meron daw bibilhin sa tindahan o jijingle lang daw. Yun pala eh naghahanap ng rason para maka-uwi.

IKA-PITO Magtira ng pamasahe para di maglakad pauwi. 

Siguraduhing may itinabi nang pamasahe bago magsimula ang drinking session. Ilagay sa maliit na bulsa, yung parang anak ng malaking bulsa para di aksidenteng madukot pag mag ambagan na naman. Ilagay sa bulsa ng briefs o sa bra. Loko lang.

IKA-WALO Huwag matulog sa harap ng inuman, wala ka sa kwarto.

Bunsod ng kalasingan,ang karamihan sa atin nakukuha pang isandal ang ulo sa mesa. Yung iba naman eh sa balikat ng kainuman at yung iba naman eh may imaginary na sinasandalan. Kapag di na kaya eh huwag ng pilitin pa, baka kasi pag-gising mo kinabukasan magtataka ka. "Anung nangyari sa akin?" o "Saan na ako?" Magdadrama bigla, "loko mga yun iniwan ako." Kung ayaw mong mapahiya, inumin lang ang kaya. Okay lang kung house party ang pinuntahan mo, paano nalang kung sa isang bar? Naku, magtakip kana ng mukha mo palabas ng bar. LOLS.

IKA-SIYAM Siguraduhing sa bahay ang uwi, huwag kung saan-saan.

Yun! Saan ka kaya nauwi pag lasing ka? Sigurado kang sa bahay niyo? Baka naman sa Lodge o sa Motel ang tuloy mo. Witwew! Tamaan ang tamaan. Siguraduhing sa bahay niyo ang uwi mo, baka kasi sa ibang bahay ka kakatok o ibang pintuan ang pinasok mo. Kahihiyan na naman yun.

IKA-SAMPU Huwag tikman ang katabi, hindi siya pulutan.

Nakakalasing naman 'tong utos na ito. Speechless ako bigla ah. Di ko mabigyang paliwanag. Ah, basta yun na yun, bahalana kayong umintindi. Sel-explanatory naman eh.(Chuckle)

Ilan lamang yan sa mga utos sa pag-inom, alam kong marami pa kayong alam na ibahagi.

IKAW? Anung utos ang para sayo?

7 komento:

  1. sipag magpost ah! meron din ako nitong tungkol sa paginom :D

    TumugonBurahin
  2. hahahaha anung link kuya? Wala lang inspired lang kaya ayun,naging bespren ko na ang pagsusulat :P

    TumugonBurahin
  3. Hmmmm...hindi ako mahilig uminom, kaya wala me experienced dito. :) Pero kung nangyayari ang ika sampu, gugustohin kong maging lasenggo.

    TumugonBurahin
  4. hahaha, para sayo talaga yung ika-sampu. Hahaha

    TumugonBurahin
  5. Pang Ika labing isang utos: Kapag nakainom, umuwing nakatayo hindi pagapang hahahhahaa

    TumugonBurahin
  6. xander: Hahaha tama! PWEDE!

    BAGOTILYO: Sagot mo ticket ko? Libre kita sa inuman. Haha

    TumugonBurahin