Karamihan ang nagtatanong sa atin kung bakit si ganito, si ganyan o bakit sinu-sino pa ang ating nagiging syota, irog, kaIbigan, partner, honey o anu pa man. Sa dinami-dami ng babae eh bakit pa yung hawig ni Betty La Fea o bakit sa ganda daw niya eh bakit sa isang geek siya nagpabihag? Kung bat diumano napili ni Mr.Right ang babaeng bayaran sa kanto? At kung bakit natipuhan ng isang magandang dilag ang isang tambay na nagibibilang ng poste ng Meralco? Kay dami ngang agam-agam ang bigla nalang pumuputok sa ating mapaghusgang isipan.
Marami sa atin ang mapang-lait at mapang-asar. Marami sa atin ang nagtataka kung anung gayuma ang pinainom ni lalake sa isang hiyas, marikit at magandang dilag. Marami sa atin ang nagulat kung bakit si babae eh nagpakatanga sa isang walang kwentang lalaki.
Ganyan ang PAG-IBIG, WALANG PINIPILI. Kahit sino pwede.
Di ba natin pansin sa mga nagsisikatang soap opera at pelikula ang katanungang nanggugulo sa atin. Katanungang bakit sila pa ang nagkataluyan. Bakit? Paano?
Hindi alintana o inisip ni Juliet na miyembro ng kaaway nilang grupo si Romeo, ang Montagues. Hindi natakot si Bella noong malaman niyang bampira si Edward at nakuha pang magpabuntis nito kahit delikado. Hindi inisip ni Sir Jose na mahirap si Maria La Del Barrio. At hindi rin inisip ni Rose na isang hamak na dukha si Jack nung silay nagkainlaban sa Titanic.
TOTOO!
Kahit anu pa mang standards ang ating naisin para sa ating ideal lover, the fact will always remain that the person we fall in love with----- will always be an EXCEPTION. Dahil iba siya sa lahat.
Martes, Nobyembre 29, 2011
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Love knows NO boundaries..
TumugonBurahinAnyways text lang sa sat or sun..
Hehehe, pasensya kung pinag-aantay kita, basta itetext lang kita kung pwede na tayo magkita. Salamat Tim :)
TumugonBurahin