|
Galing kay Ser Google. Salamat Preng. |
Pamilyar naman tayo sa mga keys sa ating keyboard. Ibat-ibang nga commands ang pwedeng gawin upang maisatitik natin ang ating mga hinaing, hinuha, o diwang maririmarim sa ating magulong utak. Ibat-ibang mga letra, numero o mga keys ang makikita. Ganyan din sa pag-ibig, sari-saring mga emosyon, mahahalang mga petsa, o kung anu pa ang nararamdaman natin. Samut-saring salita ang namumutawi sa ating puso't isipan. Sa pag-ibig pwede mo ring gamitin ang mga utos na pwedeng magamit sa iyong keyboard. Tulad ng mga:
ENTER Sa pag-ibig kailangan mong magkaroon ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang iyong nasimulan. Go lang ng go. Wala namang mawawala kung gusto mong pursue ang iyong nasimulan. Sa pag-ibig marami ring mga pagsubok na dumarating, kung pwede pang i-SAVE (Ctrl+S) ang relationship bakit hindi? sayang ang mga in-ENTER mong time, effort, money, love at iba pa. Move forward. Hakbang lang at wag-madiscourage dahil parte lang yun ng isang relasyon. Kailangan mong maging mature.
BACKSPACE Kung may hindi kayo pagkakaintindihan ng iyong irog, o may alitan o may mali sa inyong dalawa kailangan niyong pag-usapan. Move One-Step Backward, i-backspace mo. Di niyo naman masosolve ang problema kung minsan eh enter nalang kayo ng enter, o go nalang kayo ng go. Kailangan niyo ring isipin na ang tagumpay ng inyong relasyon ay ang pagbalik tanaw sa mga nangyari at pagbigay ng solusyon sa mga dagok na dumarating sa inyong pagsasama.
CONTROL Maraming mga temptation ang pwedeng dumating at sumira sa inyong relasyon, kailangan mong kontrolin ang iyong sarili. Huwag basta basta bumigay dahil nananahimik naman ang KARMA eh, di niya ipapaalm na dadapo na siya sayo, o di yan magpapakita na hinahabol ka na pala niya. Kung may awayan man kayo, huwag basta bastang magalit, kontrolin ang sarili dahil masosolusyunan naman ang mga problema o alitan sa mahinahong paraan. Dasal lang, upang makontrol ito. Mawawa rin ang mga temptasyong yan.
INSERT Upang maging mas matibay ang inyong samahan, kailangan mong magp-isip ng mga bagay na ikaka-surpresa niya o ikakasaya ng honey o babes mo. Kahit simpleng bagay lang ang iyong gawin basta't sincere ka okay na. Ang simpleng pagtext ng, "Mahal, ingat ka ha? " o "Bebe, huwag palipas ng gutom." ay malaki na ang impact nito sa iyong minamahal. Siguradong di mo lang kinurot ang puso niya, pinalundag mo pa. Ang pagliligawan ay di natatapos sa panahong nakuha ng lalake ang Oo ng Babae, dapat ang ligawan ay hanggang sa silay nagsasama.
PAUSE May mga panahong kailangan din tayong mag-isip at mapahinto. Before tayo tuluyang umenter eh isipin mo natin kung okay pa ang ating gagawin o hindi. Di lang tayo dapat go ng go. Isipin natin kung mapapasaya ba natin minamahal natin o makakasakit lang tayo. MEDITATE. Maayos ba pa ang pakikitungo mo sa iyong minamahal, o nagbabago na? Assess you love to him/her.
SHIFT Kung alam nating nasasaktan na pala natin ang ating minamahal, kailangan nating mag-isip ng Remedy. Divert it to a most appealing way. Shift your dark mood to a good one. Kailangang baguhin mo ang masama mong pakikitungo sa kanya, baka kasi masawa siya at iwan ka niya. Shift to something new and fresh.
DELETE Kung may mga masasamang gawain ka na nakasakit sa iyong mahal, walain mo na ito. Kailangan mo ring kalimutan ang mga masasaklap na nangyari sa inyo, importante eh kayo parin sa kasalukuyan. Walain ang mga agam-agam sa wala namang kasiguruhan. Mawawala lang ang iyong tiwala sa'yong minamahal kong patuloy mong pairalin 'to. Move forward. Enter again.
LETTER KEYS Sa pag-ibig marami tayong plano. Dumating yung time na naisipan nating igive-up ang ating minamahal, panahong ipagpatuloy parin kahit nasasaktan na, panahong gusto na nating magpatali sa ating irog, at marami pa. Kailangan mong gumawa ng mga plano kung pano to masolusyunan. Kung di tagumpay ang PLAN A o PLAN B mo, isipin mong sa letra ng keyboard ito ay may A-Z. Marami pang pwedeng gawin, huwag basta susuko.
SPECIAL CHARACTERS Sa inyong relasyon maraming mga taong naging parte na at magiging parte pa ng inyong relasyon. Ibat-ibang ugali ang ipanapakita nila. May mga natutuwa, may mga kinikilig, may mga walang pakialam, may mga naiinggit, nagagalit, mga taong gusto kayong siraan, isa sa inyo ay gustong agawin at iba pa. Ibat-ibang tao na nagpa-anghang at nagpatamis ng inyong samahan. Sila ang mga espesyal na tao na nagtataglay ng ibat-ibang karakteristik. Ibat-iba ang ipinapakita sa inyo.
ARROW KEYS Kung ika'y nagmamahal dapat maging loyal ka. Don't look to the left or even look to the right. Wag ka nang maghanap ng iba pa, dahil wala nang mas hihgit pa sa iyong mahal kung alam mong siya niya ang nakatadhana. Kapag ika'y lugmok, arrow up lang nakikinig ang Diyos. At kung kailangang magpakumbaba, arrow down your mood.
NUMBER KEYS Marami ring mga memorable dates ang masarap balik-balikan. Mga specila dates such as monthsaries, lunarsaries, daysaries (Yes, limang araw na kaming mag-syota) at mga anniversaries. Ang date ng una ninyong pagkikita, at date nung nakatanggap ka ng oo mula sa nililigawan mo. Mga dates kung saan naging parte na ng buhay ninyo. Mananatili itong nakatatak sa puso't isipan magpakailanman. Isa pa, ang numero ay mula sa 1 patungo sa 10, nawa'y alam natin ang dapat i-prioritize kapag tayo ay committed na. Dapat unahin ang mga bagay na mas alam mong magdudulot ng kagandahang loob sayo.
FUNCTION KEYS Hindi madali ang magmahal. Kaakibat nito ang mga pagsubok at mga responsibilidad. Hindi ka lang basta magmamahal lang, dapat mong isipin ang magiging functions mo. Dapat di ka lang niya BF/GF, dapat maging bespren o parang kapamilya na. Alam mo rin kung saan mo ilulugar ang iyong sarili. You should use your functions well.
PRINT Marami sa atin ang nagtatago ng mga love letters o anu pang regalo ng ating mga minamahal. Ang iba nakuha pang ipa-print ang mga memorable pictures nila together.
BREAK Hindi lahat ng relationship ay successful. Meron ding sablay. Minsan kailangan nating tapusin na di na karapat-dapat pausbungin. Kapag di na ka masaya, take a break, and save yourself. Break muna, kasi kapag ipinagpatuloy mo ito mas lalo kang masasaktan. Natural lang ang ganitong pangayayri, di ka naman matuto kung parati nalang permanente ang nakakasama mo.
END Tapusin na ang dapat tapusin. PUT AN END ON IT. Wag na patagalin pa kung wala naman ding patutunguhan pa. Masakit man pero wala nang mas sasakit pa kung malaman niyong naglolokohan lang naman pala kayo sa nararamdaman niyo. Kill the fire that burns your weary heart. Wag kang magpatali sa pag-ibig na di sigurado. ENOUGH IS ENOUGH.
HOME Wala nang mas sasarap pa sa pagmamahal na magmumula sa iyong tahanan--- sa iyong Nanay, Tatay, at mga kapatid. Nasaktan ka man sa iyong irog, wag kang mag-alala dahil andyan naman ang iyong pamilya na hindi nagbabago at paulit-ulit kang tatanggapin kahit ilang beses ka mang masaktan o ilang beses ka mang magkamali sa buhay.
After moving on for how many days, weeks, months or years dapat open ka parin sa sa posibilidad na magmahal muli. Alam kong marami pang mahahanap na---
ALTERNATE Wag kang matakot na magmahal muli. Get love and be hurt para kapag nakita mo na yung taong para sayo eh alam mo na ang gagawin mo. Wag kang matakot na masaktan, rekado yan sa pagmamahal. Mapait man o maalat ang iyong nakaraan, siguradong papalitan ito ng tamis ng kung sino man ang iyong mahahanap. Wag kang matakot na laitin ng iba, di naman sila ang nagmamahal diba? Maghanap ka ang taong kayang makibagay sa mundo mo at taong kaya mong makipag-sabayan. Yung tipong Superman mo o Catwoman mo. Yung kaya kang tanggapin anu ka man, o anung kaya niyang gawin para sayo.
Marami talagang nagagawa ang pag-ibig. Binabago tayo nito. At higit sa lahat mas marami tayong natututunan na bagay-bagay na pwedeng magamit at pwedeng ibahagi sa iba.
Sa pangkalahatan, anung utos man ang gustong ipagawa sayo ng tadhana para sa pag-ibig, harapin mo ito. Ika nga, "There's no harm in trying."
IKAW? Paano mo gagamitin ang keyboard ng buhay mo?
The Love Encoder,
THOR